Mga Simpleng Freelancing Tools na Solid (At libre)


Musta na! Medyo matagal din kitang di nakausap kasi sablay email namin. Kaya bawi ako ngayon at sa mga susunod na araw. Dito na lang sa blog ang gagawin kong parang email natin habang di pa naayos system namin.

Anyway, ang balita ko sayo today ay tungkol sa iba’t ibang online freelancing tools na pwede mong gamitin kahit na wala ka pang client. Most of these are free tools na madalas pinapagamit ng mga clients sa freelancers nila. Check mo lang ang bawat isa para may idea ka.

1. Trello - Your Project Management Savior

Si Trello ay isang organizer ng mga projects. Solid to para sa task tracking, deadlines, collabs, sharing ng links at iba pa.Check mo sya dito:
https://trello.com/

2. Canva - Unleash Your Inner Designer

Not a graphic designer? No problem! Sobrang daling gamitin ng Canva at napakaraming built in na design na pwede mong pagkunan ng inspiration. Pwede kang gumawa ng designs for social media posts, presentations, flyers, and more. Andito ang link nya:
https://www.canva.com/

3. Grammarly - Your Personal Editor

Alanganin ka sa tinype mo? No probs! Sisiguraduhin ni Grammarly na clear, error-free, at tunog dollars ang sinulat mo! Para kang may editor na libre haha!Pwede mong tignan dito:
https://app.grammarly.com/Oks, yan na muna for now at baka ma-overload ka ng info. Check them, try them out, and comment ka sa group kung ano sa kanila ang sinubukan mo at nagustuhan mo.

Create ka ng post dito:
https://www.facebook.com/groups/pinoyhomebaseddads

Paps Mark

Image

Tight Budget?

Start your freelance journey for a low price.